Hapag ni San Jose

Ang Hapag ni San Jose ay isang proyektong inilunsand ng Society of Saint Joseph noong May 3 bilang kabahagi ng selebrasyon ng Taon ni San Jose. Naglalayon itong makapag-abot ng tulong sa mga higit na nangangailangan mula sa mga komunidad ng UP Campus ngayong panahon ng pandemya.
 
Sa Kabuuan, mayroong 500 beneficiaries ang Hapag ni San Jose sa 10 Area ng UP Campus. Ito ay ang Village A, B at C, Pook Aguinaldo, Area 17, Daang Tubo, at Amorsolo, mayroon din sa Pook Ricarte, Palaris, at Dagohoy.
 
Inihahatid ng mga volunteer ang food packs sa Tatlong estasyon ng Hapag ni San Jose tuwing araw ng Lunes na sya namang pinangangasiwaan ng mga Area Coordinator o Area Representative. Ang food packs sa bawat linggo ay nag-iiba ng laman na nakadepende sa matatanggap na donasyon. Karaniwan, ito ay naglalaman ng 3 Kilong Bigas, at 3 pirasong Itlog.
 
Sinisikap ng ating Parokya na mapalakas at mapanatili ang proyekto sa tulong ng benefactors at volunteers. Higit tayong kaikailangan ng ating kapwa sa panahon na ito. Lagi nawa nating piliing maging kabahagi ng paglilingkod sa kapwa at Diyos.
 

—–

Sa mga nais tumulong sa proyektong ito, maaaring magbigay ng mga pagkaing donasyon sa opisina ng ating parokya.
 
Para naman sa mga nais magbigay ng tulong pinansyal:

Account Name: Parish of the Holy Sacrifice
BDO: 0035-2802-1403
BPI: 3081-1199-28

Para sa tamang pagkilala sa donasyon, maaaring ipadala ang deposit slip o fund transfer confirmation sa
holysacrificeparish@gmail.com o Viber sa 0977-7271965.