
Catechetical Ministry of the Parish of the Holy Sacrifice
Bisyon ng Katekista
Maging ganap na Kristiyanong may buhay na pananampalataya.
Misyon ng Katekista
Magturo ng mga aral ng Simbahang Katolika at magpalaganap ng Mabuting Balita.
Ano ang Katekista?
Ang Katekista ay ang indibidwal na tumugon sa tawag ng paglilingkod na maipahayag ang Salita ng Diyos ng buong puso, isip, salita at gawa. Siya ay may kakayahan na magampanan ang tungkulin at responsibilidad ng isang boluntaryong katekista. Siya ay nakalaang magbigay ng panahon, oras, talento, at kakayahan sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagtuturo, pagpapalawak ng sarili, at pakikibahagi sa gawain ng ministry, parokya, at pamayanan.
Layunin ng Katekista
- Maging isang matatag na Katekista na hinubog ng mga gawa, aral at utos ng Simbahan at ni Kristo.
- Maging isang Kristiyanong patuloy na tumatanggap ng biyaya ng mga Sakramento at Buhay Panalangin.
- Maging isang aktibong katekista na nagsisilbing mabuting halimbawa sa pamilya, komunidad, at parokya.
Mga Tungkulin ng Katekista
Ang tungkulin ng isang katekista ay ang mga sumusunod:
- Ipahayag ang Salita ng Diyos at Doktrina ng Simbahang Katolika.
- Makibahagi sa abot ng makakaya sa mga gawain ng ministry at parokya na naaayon sa napagkasunduan ng ministry.
- Palawakin ang kaalaman tungkol sa itinuturo ng Simbahang Katolika at sa mga araling may kinalaman sa pagpapaunlad ng sarili at ng ministry.
- Palalimin ang buhay ispirituwal sa lalong higit sa pamamagitan ng pagtanggap ng Sakramento ng Eukaristiya (lalo na kung araw ng Linggo) at ng Sakramento ng Kumpisal.
EXECOM
Head: Ruben Lumbreras
Secretary, Communications and Membership Committee Head: Mar Lopez
Treasurer: Nathania Lumbre
Formation Committee Head: Kenneth Macasinag
Supply and Property Management Committee: Tin Lumbre
Ang mga kasalukuyang Katekista:
- Ruben Lumbreras
- Mar Lopez
- Nathania Lumbre
- Tin Lumbre
- Kenneth Macasinag
- Eva Cadiz
- Mon Nerval
- Mariel De Luna
- Jarod De Luna
- Gillian De Luna
- June Principe
- Jaykel Magadan
- Sheila Liboon
- Butch Liboon
- Dol Lumbreras
Mga Aktibidad ng Ministry:
- Sunday School Catechism – Nagsisimula tuwing Hulyo at nagtatapos ng Marso, ang Catechetical Ministry ay nag sasagawa ng pagtuturo ng katesismo sa mga bata mula Grade 1 hanggang Highschool. Ito ay ginaganap tuwing linggo ng 10:00AM hanggang 12:00NN.
- First Communion – Ang mga nagsipagtapos ng Sunday School Catechism ay maaaring makakuha ng Sakramento ng Banal na Eukaristiya, Ito ay karaniwang isinasagawa matapos ang pagtatapos ng Sunday School.
- Kumpilang Bayan – Sa pamumuno ng Catechetical Ministry ay isinasagawa tuwing Mayo ang Kumpilang Bayan. Nagkakaroon ng seminar tungkol sa mga aral ng Simbahang Katolika para ma-ihanda ang mga kukumpilan bago nila matanggap ang sakramento.
- Easter Egg Hunt – Isa sa mga inaabangang selebrasyon sa simbahan. Sa pamumuno ng Catechetical Ministry, ang Easter Egg Hunt ay isinasagawa tuwing 11:00AM ng Easter Sunday. Ang mga itlog ay itinatago sa paligid ng simbahan upang hanapin ng mga bata.
Contact Details:
- Facebook Page: www.facebook.com/sundayschoolup
- Email: catmin@parishoftheholysacrifice.ph