Gabi ng Panalangin, Pag-aaral at Pakikisama ng mga Kabataan ng Parokya

Gabi ng Panalangin, Pag-aaral at Pakikisama ng mga Kabataan ng Parokya

Isinulat ni Tin Lumbre 

Ginanap ang Youth Night noong Hunyo 15 nang ika-7 ng gabi sa Delaney Hall bilang bahagi ng paghahanda sa darating na Parish Fiesta. Pinangunahan ng Parish Youth Ministry ang nasabing programa na binubuo ng mga dasal, pagninilay at ilang mga bahagian tungkol sa World Youth Day 2019 at National Youth Day 2019. Mahigit tatlumpung kabataan mula sa iba’t ibang grupo sa simbahan gaya ng PYM, Altar Servers at Children of Mary ang lumahok sa nasabing gawain.

Nagsimula ang programa sa Taizé kung saan ang lahat ay nagdasal at nagnilay. Ang ginawang pagninilay ay pag-aalala sa kahalagahan ng Eukaristiya at pakikiisa sa sakripisyo ni Kristo. Sa gawaing ito nagkaroon ng mga pag-awit at dasal ng mga salmo na pinangunahan ni Randy Bayaua. 

Matapos ang Taizé, nagkaroon ng salu-salo at sinimulan na ang mga talk ukol sa World Youth Day 2019 at National Youth Day 2019. Nagbahagi sina Benny Hate at Ynah Jabonero ng kanilang karanasan sa pagdalo sa World Youth Day 2019 na ginanap sa Panama. Isinalaysay nila ang kanilang mga ginawang preperasyon at ang kwento ng kanilang paglalakbay sa Panama kung saan nakihalubilo sila sa mga delegado na nagmula sa iba’t ibang bansa. Nagkaroon din ng pagtatanong sa mga kabataan sa kung ano ang kanilang mga napulot na aral sa binahaging karansan ng mga tagapagsalita. 

Ang huling nagbahagi ay si Gerald Abastillas at isinilaysay niya ang kanyang naging karanasan National Youth Day 2019 sa Cebu. Nagkwento rin si Abastillas ng kanyang karanasan sa pakikisalamuha sa mga Cebuano at ng mga aral na kanyang natutunan sa pagdalo sa NYD 2019. 

Natapos ang gabi sa pagbibigay ng maikling mensahe at pasasalamat ni Fr. Bong Tupino sa mga tagapagsalita at sa mga kabataang lumahok sa aktibidad na ito. Ipinahayag din niya ang pagnanais na magkaroon pa ng mga ganitong aktibidad para sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *