Paghihintay
Kenn Soltones
Mama, Papa, Bunso, Kuya
Alam kong miss na natin ang isa’t isa
Ngunit ako’y nandito pa
Nag-aaral, para sa ikabubuti ng ating pamilya.
Sa dinami-rami ng okasyon na aking pinalagpas
Umaasa akong pagmamahal ninyo’y di nababawas
Sana ako’y inyong maintindihan
Pagka’t kayoý gusto ring makita’t mahagkan.
Ang araw dito ay mabilis nang lumulubog
Kasabay ng mga kampanang nagsisitunog
Lumalamig na nga ang hangin
Ang mga pailaw ay nagsisilabasan na rin.
Konting tiis pa at makauuwi na ako
Masilayan mga ngiti ninyo kahit papaano
Dahil kayo ang siguradong bubuo
Sa aking kuwento, ngayong Pasko.